"Alak pa!" madalas na bukambibig ko.
Hindi pa man natatapos ang klase ko, napapaginipan ko na ang alak. Iniisip ko kung ilang bote na naman ang mapapatumba ko habang nakikipaginuman sa 6 na lalakeng barkada ko.
Tubig at Gin bulag lang, ok na sa kin. Hindi ko naisip ang epekto no`n. Ang alam ko lang, masaya kong nakikitang unti unting gumagapang na ang mga kasama ko at akoý patuloy pa ring tumutungga.
Hanggang sa nagkatrabaho ako at nabarkadang muli. San Mig Light na, may sweldo na ako e. Pero hindi nasanay ang bahay alak ko sa isang nakakabagot at walang kalasa lasang beer. Ang alam ko lang baybayin ay ang makasunog bitukang hard drinks.
Hindi ako lasing habang sinusulat ko ito. Naalala ko lamang kung paanong ang bisyong halos araw araw kong pinagkakaabalahan ay unti-unti ng nawawala, at mawawala sa aking sistema.
Kung paanong ang bisyong ito ay mahirap kalimutan, ngunit mahirap gawin, ay isang bagay na kailangan ko sa tuwing naaalala ko ang lahat ng masasakit na nangyari, at kung paano ko saktan ang isang taong mahalagang mahalaga sa akin.
Naramdaman kong halos gumuhit sa aking lalamunan ang malamig na malamig na bote ng beer habang nakikipagtagisan ang aking utak sa mga alaala ng isang taong dati ay ako lang ang mahal.
Hindi ko naisip na ganon ko sya nasaktan, na ganoon pala ang sakit na ibinigay ko sa kanya. Lahat ng iyon, binalewala ko dahil alam kong nadyan lang sya para sa akin, gaya ng isang bote ng alak na nasa tindahan lang.
Inisip kong magpakalasing, makipagtagayan sa barkada, ngunit gaya ng nasabi ko na sa lahat ng senglot na broken hearted gaya ko, mawala man ang amats mo, hindi pa rin mawawala ang problemang dati ratiý sya ang nagdadala.
Gusto kong magpakalasing. Pero gusto ko ring i give up ang boteng minsan sa buhay koý tinuring kong best buddy, bestfriend ika nga.
Ngunit, hindi ko kakayaning mawala sa sistema ko ang isang bagay na naging bisyo ko na, na halos kilala ang buo kong pagkatao, na nakikinig sa mga kabaliwan ko. Sinasabi ng lahat na iwasan ko na, pero hindi pa rin kaya ng sistema kong mawala.
Nilasing ako...at nalasing.
Gusto kong maramdaman na magmanhid ang mga palad ko, habang namumutla akong nakikipagunahan sa isa pang shot na darating sa akin. Gusto ko magfeeling lasing, na kunyariý hindi alam ang nangyari, pero gumugulong na sa isip ang susunod na kabanata. Na sa ganon ay wala na kong maramdamang sakit.
Gusto kitang lasingin. Hindi para gahasain at pagsamantalahan, ngunit para makalimutan mo rin lahat ng sakit na idinulot ko.
Habang ikaý bangag at ginugupo ng kalasingan, sasaluhin ko na lang ang tagay na dapat sana ay saýo. Gusto kong iparamdam sa yo na ang isang tomador, matapang man sya sa lahat ng inuman, gimikan at awayan, sa isang bandaý gagapang din sya sa kalasingang minsan ay hindi nya pinangarap na mangyayari..pero nangyari.
Shat na!