Mabagal kong pinaaandar ang pulang kotse papasok sa subdivision kung saan ako nagrerent ng isang maliit na kwarto. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mga batang nakatira sa squatter’s area na naglalaro sa mamaya’y daraanan ko.
Piko ang laro. Nangingiti ako habang nakatingin sa batang itinapon ang pato at tumama sa guhit ng bahay. Nakita kong nayamot ang kanyang madungis na mukha habang gumigilid na. Talo na sya.
E kasi naman, ang pato nya ay isang binasag na paso. Hindi ito katulad ng dati kong pato na balat ng saging na saba o latundan na pinilit kong pitpitin ng bato. Kailangan kasing manipis at mabigat ang pato para kapag binato ay papasok sya sa loob ng iginuhit ng chalk na bahay.
Tumira ang isang medyo may katangkarang batang babae. Pasok. Sinimulan na nyang itaas ang kaliwang paa at humakbang papasok sa bahay.
Wow. Ganon na ba ako katanda? Sa Valenzuela, halos wala na akong nakikitang bata sa daan. Mangyayari pa ba iyon na kahit bilog ang buwan ay makikita mong nagliligawan ang mga dati’y baby pa lamang na anak ng kalaro ko. Nandoon din ang mga kotse at jeep na hindi na magkasya sa garahe ng kapitbahay ko at maliit na lugar na lang ang natitira sa kalye.
Sayang ang liwanag ng buwan. Kung ang maririnig mo lang ang ungol na nanggagaling sa umuugang jeep na hindi mo alam kung may naglalaro rin ng kung hindi piko ay dama. Kung ang makikita mo lang ay ang magbabalot na imbes na humiyaw ng “Balooooooot” ay nakatambay lang sa kanto at nakikipag-inuman sa grupo ng mga nagcho-chongke.
Nanalo ang batang tumatawid sa bahay na piko. Minsan nakakainggit, sana bata pa rin ako na nakakapaglaro ng taguan, ng goma, ng tex , ng pog, ng Chinese garter o ng luksong tinik para kahit madapa ako, pwede kong tawagin ang yaya ko, o nanay ko o mga kalaro ko. Iba na ngayon, minsan, kailangan ko saklolohan ang sarili ko kapag nadapa ako.
Iba na rin ang laro ko ngayon. Nakikipaglaro rin ako sa iba. Dati puro lalaki kalaro ko ngayon ay babae na. Bastos at masarap na laro. May taguan pero walang goma, walang tex , walang pog at ibang Chinese garter na ang alam ko at kabisado ko.
Pero ang piko na nilaro ko dati, nawasak, natalo ako. Nasira ang bahay na dati’y alam kong dapat laging buo. Ngunit gaya nga ng nasabi ko na, hindi na ako humingi ng tulong sa yaya ko. Laro ko ito. Ako lang at walang ibang pwedeng magbigay ng solusyon.
Iginarahe ko ang sasakyan at kinuha ko ang mga dala-dalahan ko. Lintek! Kahit kalian lampa ako, natisod ako sa isang putol na tiles. Hmmm. Pinakamagandang pato ko sa piko na bubuuin ko pa lang.
Na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sisimulan…
Friday, March 20, 2009
piko
The future Chef
Someone sent me a link on YM, which I thought a virus. Well, I am wronged. and this is what I was looking for the longest time...
my future cook!
Saturday, March 14, 2009
Siopao
Tinanggal ko ang aking salamin na nanlalabo na sa kakatingin sa monitor screen sa aking harapan. Halos apat na oras na akong nakaupo sa kulay itim na swivel chair sa ilalim ng nagyeyelong aircon. Ni hindi ko magawang tumayo para magpunta sa banyo para umihi o pumunta sa pantry para uminom ng tubig. Kailangang matapos ko ang trabaho ko.
Sinipat ko ang lens ng salamin ko, malabo na nga. Inabot ko sa bag ang Giordanong lalagyan nito at kinuha ang makapagpapalinaw sa salamin ko. Wala – pagod lang talaga ako.
Bumukas ang pinto ng aking kwarto – inaasahan ko dahil alas tres na ng hapon, hudyat ng pagsunog ng baga sa isang call center na ito sa gitna ng Pasong Tamo. Napailing na lang ako. Gaano na kaya kaitim ang baga ko hindi lamang sa usok na nalalanghap ko mula sa smoke belcher na jeepney o sa lintek na bus na mabilis na dumadaan sa highway ng Baclaran.
Habang ang karamihan ay bumaba sa 8th floor lung center para magsunog ng baga, bumaba ako sa ground floor at dumiretso sa MInistop. Isa ako sa mga taong parasite pagdating sa yosi. Ayaw kong kunsintihin ang bisyo ko. Naks. Aayaw pa e humihingi naman. Dyahe na rin minsan tuwing pinaparinggan ako ni NiƱo na hingi ng hingi ng Marlboro Lights, kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, heto ako at bumaba sa MiniStop.
Habang hinihintay kong matapos magbayad at suklian ang taong nasa harapan ko, naramdaman ko na ang pagkulo ng bestfriend ko. Gutom na ako, sabi ng utak at tiyan kong nagaalburoto habang nakatingin sa jumbo siopao sa likod ng cashier.
Lintek! Magyoyosi ba ako o kakain ng siopao? Iniisip ko pa rin hanggang sa napalingon ako sa bagong Cosmopolitan issue na ang cover ay si Marian Rivera.
“Miss, miss….” Ang istorbong cashier naiinip na sa akin. Pumapalatak na rin ang nakapila sa likuran ko. Ahhh! Wala akong pakielam sa inyo! Nasa unahan ako ng pila and customer’s always right! I’m the king of the world!!!
“Isang special siopao na bola bola, yung may iced tea please.”
Sa wakas, nakalimutan ko ang yosi dahil sa isang siopao na may dilaw na tanda sa ibabaw. Witwiw. Siopao lang ang tatapos sa usok na naaamoy ko na mula sa 8th floor ay naamoy ko hanggang sa lobby. Siopao na nakakapagpalinaw ng paningin ko na kahit wala akong salamin ay naaninag ko kahit natatakpan pa sya ng matabang cashier. Ang siopao na nagbigay ng panibagong sigla para magtrabaho ulit.
Ang siopao na naging dahilan para bumuntot sa kadulu-duluhan ng linya pabalik sa harap ng cashier.
One more time..
Sunday, March 1, 2009
Weirdest All Saint's Day
Travelling back to from Bangga-an falls to the town proper was less tiring and fun. Some of the guyz, and girls chose to ride the jeep on its top. We were still in Sagada, so I guess, we will just define what enjoyment means.
While we were on the jeep, we saw a huge fire from afar. We teased each other that George Guesthouse was burning. I never thought that we will just experience a different way to celebrate All Saint's Day with the Sagadans.
As we stopped near the church, we were so tired to see another pile of stairs that we need to take. Walang katapusang stairs, hindi ka "in" sa Sagada kung walang hagdanan.
As Kuya Andrew described it, when you're there, you're like experiencing hell in Earth, but still, you're alive.
It was an awesome experience to see people walking towards the same direction -- somewhere in the mountains were you can see hell. They said it's called Calvary Hill-at night you call it, Calvary Hell.
People compiled and circled around chunks of wood burning and have a little, not so little but made the best bonfire beside the nitso and it was soo weird seeing this "siga" their making, it makes your lungs hurt just by seeing them.
In Manila, we have candles, but in Sagada, it was my first ever All Saint's Day to celebrate away from my family, it was my weirdest All Saint's Day I have experienced, and this will be the most lit cemetery I've seen in my life.