Alas kwatro pa lang! Bakit ba ang bilis ng bus samantalang sa panaginip ko parang mabagal lahat ng pangyayari. Dagli akong bumangon. Mahirap na salubungin ang moody kong girlfriend. Baka sumakay ng bus pabalik ng Maynila.
Nagpalit na ako ng damit at dali daling bumaba, hindi na nagalala kung mabaho ba ang aking hininga o hindi. Bahala na. Hinarurot ko na ang kakarag-karag kong pulang kotse.
Tumaba kaya ang honey ko?...Lumaki na kaya ang singkit nyang mata?..O mukha na kaya syang haggard at maturn off agad ako?..Tumatakbo ang utak ko habang pinatulin ko pa ang takbo ng matulin kong bulok na oto.
Napansin ko ang patawid na kuting sa gitna ng daan. Waaa! Kailangan ko bang huminto o sagasaan na lang ang pusa imbes na ako ang madisgrasya. Bahala na. Iginitna ko ang kotse ko habang tahimik na nagdadasal ng “May the cat rest in peace..”
Nalagpasan ko. Nakiramdam kung may makikita ako sa rear view mirror ko kung may magmumultong pusa at kalmutin ako sa likod. Wala. Tumingin ako sa tabi ng aking sasakyan, wala akong marinig na ngiyaw ngunit praning ako baka bigla na lang may ngumiyaw. Taena! Gutom lang yan. Bigla kong naisip na bumili ng siopao pagsundo sa girlfriend ko.
Tinakbo ko ang terminal dahil ilang minuto na lang at mainit na ang ulo ni honey. Narating ko ang terminal ng walang pang limang minuto.
Wala si honey. Pero parang lahat na yata ng nakita ko sa naman. paligid, kung hindi kulay orange ang mata, ay gray na mga bulto ng pusa. Karma na ata ito. Hindi ko alam kung pwede na ba akong kasuhan na mamamatay-pusa.
Nakita ko ang higanteng girlfriend ko at inaya ng umuwi. Pusanggala naman o! Hindi ko na maalalang halikan ang girlfriend ko dahil sa dyaskeng kuting na iyon. Minsan talaga, may mga maliit na bagay kang ginawang mali pero maaalala mong pilit.
Pero maaari namang kalimutan. Choice lang yan, ika nga. Gaya ng pagwaglit sa isip ko ng babaeng pilit na umaagaw ng atensyon ko kahit may katabi akong ibang tao ngayon habang nagmamaneho. Parang si Dory na may short term memory loss, pwedeng kalimutan pero pilit na bumabalik.
O siguro, pwede rin namang pagbigyan ng hindi nakakasakit ng iba. Alalahanin ulit gaya ng kuting na iyon, sumagasa ulit ng mas malaking pusa para makalimutan ang isang kuting. Ayan. At least hindi na ako praning na may magmultong pusa, o ang siopao na kinakain ko ay kuting…pero mag-abang pa ng mas maraming pusang sasagasaan.
Friday, July 24, 2009
Pusa
Labels:
gagong kaisipan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment