Wednesday, September 23, 2009

all behind us now

Hey, I'm so sorry
that it didn't work the way
that we'd always planned
Hey, I'm so sorry
that you went away
and somehow didn't understand

...
We pretended for so many years, but now
its time wash away my tears

CHORUS

CauseAnd it's all behind us now
cause we've learned to live somehow without
each other
And its easy to see, it ain't never
gonna be the same again

And its all behind us now
cause we found a way to live without
each other
And in time we'll have to see
If its ever gonna be that way again
ohh......


...
Hey, I'm so sorry
that I couldn't find the words
that might have made you stay
and hey, it's so funny
how we both can say the same thing in a
different way

...
We pretended for so many years,
but now its over baby
and so are my tears

repeat chorus

...
I was holdin' out for far too long
But now I finally found where I belong



finally, i didn't realize i can recover this fast.:) thank you for making me realize how important i am, i don't even deserve to be treated the way you do. :)

Read More...

Saturday, September 12, 2009

Happy Baby 2009

Well, here's another baby contest in town.. which obviously, one of my closest family member is included.

Enfant's ad said: Vote for the Happiest Baby Ever!

And good thing about it is that, my niece has joined the contest. Well, of course, with the looks and all, he is a real winner.

Photobucket
Photobucket

if you think my niece is the best candidate (which is YES, wink wink), then click on THIS

Read More...

Sunday, August 9, 2009

Random Thoughts

...nung nakaraang Linggo, lahat ng tao nakadilaw. may nakaitim, pero mas maraming nakadilaw. paboritong kulay? hindi. libing daw ni Cory. orange kaya ang paborito kong kulay. pero may ibig sabihin pala ang dilaw... may mamamatay.


...masarap mabasa lahat ng nasa archives ng yahoo messenger, na nanggaling sa iisang taong sa loob ng isang buwan at anim na araw ay naging bahagi ng makulay na kulay ni Bebang. nakakatuwa. nakakakilig. pero uuwi rin pala sa pag iyak.

...nitong weekend, hindi na sana ako natulog. kinausap ko na sana siya. kahit alam kong busy siya. sana kinulit ko. kung alam ko lang na mawawala pala sa kin ang isang napakahalagang pangyayaring aalalahanin ko na lang sa mga susunod na araw...at makakalimutan rin.

...bakit ako magsisinungaling? kung alam ko naman na may taong animo'y namatayan sa tahimik nyang pagiyak. bakit ayaw lumabas ng luha? bakit bigla na lang lalabas ng kusa? bakit one way? bakit walang umalala? balewala? OO

...marami na kong minahal. marami na kong sinuway, pero mahal ko pa rin. marami na akong isinakripisyo. yung tipong hindi ko na lang sana sila nakilala. para hindi masakit. pero walang nakakita. walang nakaramdam. nakainom ata ng pangpamanhid.

..,bakit mo ko binalewala? sabi ko wag mo ko iwan? sabi ko ipaalam mo lang ok na ako? ayaw ko mang isumbat. pero sa lahat ng effort ko, sa lahat ng panahong inukol ko at kalimutang saglit ang trabaho, ang oras na kailangan lang kitang tawagan, ang mga panahong malayo ako kay amber para makasama lang kita...bakit nawala ka sa kin? bakit pinagpalit mo sya sa akin?

...batukan kaya kita? sa anim na taon...ano naman ang laban ng isang buwan at anim na araw? walang binatbat. hindi ako maaalala. kahit ano pa ang gawin ko.

...napatunayan ko pa rin kung ano ang kaya kong ibigay pagdating sa isang relasyon. naglaro man ako sa iba, pero pag naneryoso ako, sayong sayo buong pagkatao ko...ng walang hinihinging kapalit.

...basta buhay ka, gawin mo man lahat ng hindi ko gusto. basta buhay ka. ok na ako. masaya akong malaman na buhay ka.

...mahal kita. mahal pa rin.. pero bibitaw ako..kakalimutang pilit ang lahat..pati kung paano kita nakilala. aalisin ko ang konting pagkataong nakilala mo na ako. at magmomove on..

...sana kaya ko.. kagaya ng lagi kong sinasabi kapag nakikipaghiwalay ako..o nakikipaghiwalay sila..and this made me a person i am right now.

...thank you

Read More...

Wednesday, July 29, 2009

Puta

Nagbulungan ang mga tao sa paligid nang dumaan ang pamilyar na babae. Akala mong may sakit na halos lumuwang ang daan na ang tanging naglalakad na lamang ay ang babaeng nakasuot ng hapit na kulay pulang damit. Ang sarap panoorin, lalo na at makikita mong napakababa na ng tingin ng lahat, pero mukang proud na proud pa rin sya sa sarili.

Sabi ni mommy, lumayo daw ako sa mga malalandi kong classmates. Dapat daw, puro libro lang ang dapat kong atupagin at hindi yung pakikipagusap sa mga lalaking wala daw ibang gagawin kundi buntisin ako. Inatupag ko naman ang pag-aaral, at tinanim sa utak ko na nakakadiri yung mga taong hindi kayang mabuhay ng walang lalaki sa mundo.

Tumuntong ako ng college at sumali sa fraternity. Hirap o sarap ba? hmmm, hindi ko na naranasan iyon dahil founder ang boyfriend ko sa chapter ng eskwelahang pinasukan ko. Pero nakita ko kung paano gamitin ang mga neophytes ng mga masters nila tuwing hazing. Hindi ko alam kung baboy nga ba o hindi ang nasa harapan ko. Ang alam ko lang, mukang nasasarapan ang mga babaeng ginagamit ng kung sino man habang nakapiring ang mata nila.

Nagsimulang mabarkada ako sa mga lalaki, hanggang sa trip na lang namin magpakalasing araw araw pagkatapos ng klase. May sumama sa aming lalaki na tumapat sa akin at nakikipagflirt. Sa loob loob ko, paano ginagawa ng mga babae ang makakuha ng lalaki sa pamamagitan ng tingin? Bahala na, naisip ko. Kung kayang gawin ng mga pokpok ang ganitong bagay, tingin ko hindi ko kakayanin.

Nagsimula akong magkaroon ng mga flings kada inuman. Pero nasa tamang wisyo pa ako para hindi makipagsex kahit kanino. Ako lang ang gagawa. Bawal akong galawin. Dati-rati'y gumagawa pa ako ng listahan ng mga nakafling ko na umabot na yata ng mahigit tatlumpu.

Hindi naman lahat ng bagay nageenjoy ako. Tinigilan ko rin at nagsimulang magseryoso sa relasyon. Nagkaroon ako ng 3 matitinong boyfriend, at ang huli, naging asawa ko pa. Naisip ko, yung mga pokpok pala pwedeng magsawang magbigay aliw at magsawa na lang sa bandang huli. Marami pa namang magbibigay ng dahilan para maging matino sila.

Masarap maranasan na kahit minsan sa buhay ko, naging gaya rin nila ako. Pero parang drugs lang yan e. Pag nahook ka, maaadik ka na. Pero nasa iyo pa rin ang kontrol sa lahat. Kalimutan yung masarap na past time lang at maging successful sa mga bagay na hindi mo aakalaing sa iyo mapupunta.

Napatanga ako habang tinitignan ko ang oras. Kagigising ko lang katabi babae ko (this time, ayaw ko na ng lalaki). Ginising ko sya sa pamamagitan ng halik. Masakit daw ang lalamunan nya. Naawa naman ako at pinagmumog sya ng asin para kahit paano'y gumaling. Sumeryoso ang mukha nya, sabay tanong sa akin, kelan daw ako huling nakipag sex sa lalaki.

Bumalik lahat ng alaala ko. Kailan nga ba? Kahapon, noong isang araw, noong isang linggo? Sino ba ang huling lalaking gumamit sa akin? Nagpagamit ba ako? Ahhh, biglang nagiba ang dating ako at bumalik sa dating maituturing na isang puta sa tingin ng mga boring na estudyante. Ako ngayon, nasa isang iginagalang na posisyon, tanungin kung kailan ang huling beses akong nakipaglandian sa kama, habang sumasakit ang lalamunan nya, biglang nahilo sa mga nagfflashback sa utak ko.

Nasarapan ba sya? Sabi nya oo daw e. Sa babae o lalaki man, kapag bumaba ka sa partner mo, gagawin mo yun hindi dahil kailangan, kung hindi dahil gusto mong gawin. Feeling ko ilang libong mikrobyo meron ako na parang isang puta na pinandidirihan ng lahat. Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa babaeng kekendeng kendeng sa kalye na kanina ko pa tinitignan.

Ahhh, hindi lahat ng pokpok puta, at hindi lahat ng puta, pokpok. Pero ano man sila, sa tingin ko, mabibigyan lang ng kahulugan ang isang tao, kapag ang respetong laging hinihingi sa yo ay kayang tumbasan hindi lamang ng respeto bilang girlfriend kung hindi ang tiwalang hindi mapapalitan ng kahit anong pangyayaring dinaanan gaya ng isang putang maraming karanasan.

Read More...

Friday, July 24, 2009

Pusa

Alas kwatro pa lang! Bakit ba ang bilis ng bus samantalang sa panaginip ko parang mabagal lahat ng pangyayari. Dagli akong bumangon. Mahirap na salubungin ang moody kong girlfriend. Baka sumakay ng bus pabalik ng Maynila.

Nagpalit na ako ng damit at dali daling bumaba, hindi na nagalala kung mabaho ba ang aking hininga o hindi. Bahala na. Hinarurot ko na ang kakarag-karag kong pulang kotse.

Tumaba kaya ang honey ko?...Lumaki na kaya ang singkit nyang mata?..O mukha na kaya syang haggard at maturn off agad ako?..Tumatakbo ang utak ko habang pinatulin ko pa ang takbo ng matulin kong bulok na oto.

Napansin ko ang patawid na kuting sa gitna ng daan. Waaa! Kailangan ko bang huminto o sagasaan na lang ang pusa imbes na ako ang madisgrasya. Bahala na. Iginitna ko ang kotse ko habang tahimik na nagdadasal ng “May the cat rest in peace..”

Nalagpasan ko. Nakiramdam kung may makikita ako sa rear view mirror ko kung may magmumultong pusa at kalmutin ako sa likod. Wala. Tumingin ako sa tabi ng aking sasakyan, wala akong marinig na ngiyaw ngunit praning ako baka bigla na lang may ngumiyaw. Taena! Gutom lang yan. Bigla kong naisip na bumili ng siopao pagsundo sa girlfriend ko.

Tinakbo ko ang terminal dahil ilang minuto na lang at mainit na ang ulo ni honey. Narating ko ang terminal ng walang pang limang minuto.

Wala si honey. Pero parang lahat na yata ng nakita ko sa naman. paligid, kung hindi kulay orange ang mata, ay gray na mga bulto ng pusa. Karma na ata ito. Hindi ko alam kung pwede na ba akong kasuhan na mamamatay-pusa.

Nakita ko ang higanteng girlfriend ko at inaya ng umuwi. Pusanggala naman o! Hindi ko na maalalang halikan ang girlfriend ko dahil sa dyaskeng kuting na iyon. Minsan talaga, may mga maliit na bagay kang ginawang mali pero maaalala mong pilit.

Pero maaari namang kalimutan. Choice lang yan, ika nga. Gaya ng pagwaglit sa isip ko ng babaeng pilit na umaagaw ng atensyon ko kahit may katabi akong ibang tao ngayon habang nagmamaneho. Parang si Dory na may short term memory loss, pwedeng kalimutan pero pilit na bumabalik.

O siguro, pwede rin namang pagbigyan ng hindi nakakasakit ng iba. Alalahanin ulit gaya ng kuting na iyon, sumagasa ulit ng mas malaking pusa para makalimutan ang isang kuting. Ayan. At least hindi na ako praning na may magmultong pusa, o ang siopao na kinakain ko ay kuting…pero mag-abang pa ng mas maraming pusang sasagasaan.

Read More...

Thursday, July 9, 2009

confused player

moods: i am in love

for me, i don't care whether they look fat or thin, old or young, guys or girls.... hmmm lemme stop here. uhh yeah. no matter what gender they are, what matters is how smart they can be when i am around.

wanted: date

whenever i meet someone online, and got my attention over a conversation, it doesn't really end up by a date. date means when they make pilit and they're on the area where i am =). 100% of them is better on cam, but not in person ;). you can see how stupid your date is unlike the one you have talked on the internet. you will doubt, "Sya ba talaga ang kausap ko???"

opposites attract

whether you like them or not, they are still different from who we are. it makes me turn off when someone flashes her barefoot (from covered socks) and let me spell how awful her foot odor is, or if when her car is bulok but runs faster than a new ivtec. still, you find yourself into a troublesome moment wherein you were attracted with trash rather than the good sides of the person.

potential girlfriends

these are people who likes to teach diskarte 101 in the class. whether it's baduy or not, or girls who is trying hard to be a guy, like putting pomade on their hair (pomade!!!!), or having their grown armpit hair flashing on your face, or whether they seem talking a lot of sense but they're really stupid, it's how they really catch your attention and prospect them to be the next girlfriend.

whew... ako ba yan?? that's prolly the way i think of gauging how player i was...not until i met someone i barely know, a person who is trying to change me -- which challenges me the most.

...and everything on the list vanished..

Read More...

Friday, March 20, 2009

piko

Mabagal kong pinaaandar ang pulang kotse papasok sa subdivision kung saan ako nagrerent ng isang maliit na kwarto. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mga batang nakatira sa squatter’s area na naglalaro sa mamaya’y daraanan ko.

Piko ang laro. Nangingiti ako habang nakatingin sa batang itinapon ang pato at tumama sa guhit ng bahay. Nakita kong nayamot ang kanyang madungis na mukha habang gumigilid na. Talo na sya.

E kasi naman, ang pato nya ay isang binasag na paso. Hindi ito katulad ng dati kong pato na balat ng saging na saba o latundan na pinilit kong pitpitin ng bato. Kailangan kasing manipis at mabigat ang pato para kapag binato ay papasok sya sa loob ng iginuhit ng chalk na bahay.

Tumira ang isang medyo may katangkarang batang babae. Pasok. Sinimulan na nyang itaas ang kaliwang paa at humakbang papasok sa bahay.

Wow. Ganon na ba ako katanda? Sa Valenzuela, halos wala na akong nakikitang bata sa daan. Mangyayari pa ba iyon na kahit bilog ang buwan ay makikita mong nagliligawan ang mga dati’y baby pa lamang na anak ng kalaro ko. Nandoon din ang mga kotse at jeep na hindi na magkasya sa garahe ng kapitbahay ko at maliit na lugar na lang ang natitira sa kalye.

Sayang ang liwanag ng buwan. Kung ang maririnig mo lang ang ungol na nanggagaling sa umuugang jeep na hindi mo alam kung may naglalaro rin ng kung hindi piko ay dama. Kung ang makikita mo lang ay ang magbabalot na imbes na humiyaw ng “Balooooooot” ay nakatambay lang sa kanto at nakikipag-inuman sa grupo ng mga nagcho-chongke.

Nanalo ang batang tumatawid sa bahay na piko. Minsan nakakainggit, sana bata pa rin ako na nakakapaglaro ng taguan, ng goma, ng tex , ng pog, ng Chinese garter o ng luksong tinik para kahit madapa ako, pwede kong tawagin ang yaya ko, o nanay ko o mga kalaro ko. Iba na ngayon, minsan, kailangan ko saklolohan ang sarili ko kapag nadapa ako.

Iba na rin ang laro ko ngayon. Nakikipaglaro rin ako sa iba. Dati puro lalaki kalaro ko ngayon ay babae na. Bastos at masarap na laro. May taguan pero walang goma, walang tex , walang pog at ibang Chinese garter na ang alam ko at kabisado ko.

Pero ang piko na nilaro ko dati, nawasak, natalo ako. Nasira ang bahay na dati’y alam kong dapat laging buo. Ngunit gaya nga ng nasabi ko na, hindi na ako humingi ng tulong sa yaya ko. Laro ko ito. Ako lang at walang ibang pwedeng magbigay ng solusyon.

Iginarahe ko ang sasakyan at kinuha ko ang mga dala-dalahan ko. Lintek! Kahit kalian lampa ako, natisod ako sa isang putol na tiles. Hmmm. Pinakamagandang pato ko sa piko na bubuuin ko pa lang.

Na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sisimulan…

Read More...

The future Chef

Someone sent me a link on YM, which I thought a virus. Well, I am wronged. and this is what I was looking for the longest time...



my future cook!

Read More...

Saturday, March 14, 2009

Siopao

Tinanggal ko ang aking salamin na nanlalabo na sa kakatingin sa monitor screen sa aking harapan. Halos apat na oras na akong nakaupo sa kulay itim na swivel chair sa ilalim ng nagyeyelong aircon. Ni hindi ko magawang tumayo para magpunta sa banyo para umihi o pumunta sa pantry para uminom ng tubig. Kailangang matapos ko ang trabaho ko.

Sinipat ko ang lens ng salamin ko, malabo na nga. Inabot ko sa bag ang Giordanong lalagyan nito at kinuha ang makapagpapalinaw sa salamin ko. Wala – pagod lang talaga ako.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto – inaasahan ko dahil alas tres na ng hapon, hudyat ng pagsunog ng baga sa isang call center na ito sa gitna ng Pasong Tamo. Napailing na lang ako. Gaano na kaya kaitim ang baga ko hindi lamang sa usok na nalalanghap ko mula sa smoke belcher na jeepney o sa lintek na bus na mabilis na dumadaan sa highway ng Baclaran.

Habang ang karamihan ay bumaba sa 8th floor lung center para magsunog ng baga, bumaba ako sa ground floor at dumiretso sa MInistop. Isa ako sa mga taong parasite pagdating sa yosi. Ayaw kong kunsintihin ang bisyo ko. Naks. Aayaw pa e humihingi naman. Dyahe na rin minsan tuwing pinaparinggan ako ni NiƱo na hingi ng hingi ng Marlboro Lights, kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, heto ako at bumaba sa MiniStop.

Habang hinihintay kong matapos magbayad at suklian ang taong nasa harapan ko, naramdaman ko na ang pagkulo ng bestfriend ko. Gutom na ako, sabi ng utak at tiyan kong nagaalburoto habang nakatingin sa jumbo siopao sa likod ng cashier.

Lintek! Magyoyosi ba ako o kakain ng siopao? Iniisip ko pa rin hanggang sa napalingon ako sa bagong Cosmopolitan issue na ang cover ay si Marian Rivera.

“Miss, miss….” Ang istorbong cashier naiinip na sa akin. Pumapalatak na rin ang nakapila sa likuran ko. Ahhh! Wala akong pakielam sa inyo! Nasa unahan ako ng pila and customer’s always right! I’m the king of the world!!!

“Isang special siopao na bola bola, yung may iced tea please.”

Sa wakas, nakalimutan ko ang yosi dahil sa isang siopao na may dilaw na tanda sa ibabaw. Witwiw. Siopao lang ang tatapos sa usok na naaamoy ko na mula sa 8th floor ay naamoy ko hanggang sa lobby. Siopao na nakakapagpalinaw ng paningin ko na kahit wala akong salamin ay naaninag ko kahit natatakpan pa sya ng matabang cashier. Ang siopao na nagbigay ng panibagong sigla para magtrabaho ulit.

Ang siopao na naging dahilan para bumuntot sa kadulu-duluhan ng linya pabalik sa harap ng cashier.

One more time..

Read More...

Sunday, March 1, 2009

Weirdest All Saint's Day

Travelling back to from Bangga-an falls to the town proper was less tiring and fun. Some of the guyz, and girls chose to ride the jeep on its top. We were still in Sagada, so I guess, we will just define what enjoyment means.



Photobucket



While we were on the jeep, we saw a huge fire from afar. We teased each other that George Guesthouse was burning. I never thought that we will just experience a different way to celebrate All Saint's Day with the Sagadans.

As we stopped near the church, we were so tired to see another pile of stairs that we need to take. Walang katapusang stairs, hindi ka "in" sa Sagada kung walang hagdanan.


Photobucket


As Kuya Andrew described it, when you're there, you're like experiencing hell in Earth, but still, you're alive.

It was an awesome experience to see people walking towards the same direction -- somewhere in the mountains were you can see hell. They said it's called Calvary Hill-at night you call it, Calvary Hell.


People compiled and circled around chunks of wood burning and have a little, not so little but made the best bonfire beside the nitso and it was soo weird seeing this "siga" their making, it makes your lungs hurt just by seeing them.


Photobucket

The Calvary Hell

In Manila, we have candles, but in Sagada, it was my first ever All Saint's Day to celebrate away from my family, it was my weirdest All Saint's Day I have experienced, and this will be the most lit cemetery I've seen in my life.

Photobucket






Read More...