Saturday, March 14, 2009

Siopao

Tinanggal ko ang aking salamin na nanlalabo na sa kakatingin sa monitor screen sa aking harapan. Halos apat na oras na akong nakaupo sa kulay itim na swivel chair sa ilalim ng nagyeyelong aircon. Ni hindi ko magawang tumayo para magpunta sa banyo para umihi o pumunta sa pantry para uminom ng tubig. Kailangang matapos ko ang trabaho ko.

Sinipat ko ang lens ng salamin ko, malabo na nga. Inabot ko sa bag ang Giordanong lalagyan nito at kinuha ang makapagpapalinaw sa salamin ko. Wala – pagod lang talaga ako.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto – inaasahan ko dahil alas tres na ng hapon, hudyat ng pagsunog ng baga sa isang call center na ito sa gitna ng Pasong Tamo. Napailing na lang ako. Gaano na kaya kaitim ang baga ko hindi lamang sa usok na nalalanghap ko mula sa smoke belcher na jeepney o sa lintek na bus na mabilis na dumadaan sa highway ng Baclaran.

Habang ang karamihan ay bumaba sa 8th floor lung center para magsunog ng baga, bumaba ako sa ground floor at dumiretso sa MInistop. Isa ako sa mga taong parasite pagdating sa yosi. Ayaw kong kunsintihin ang bisyo ko. Naks. Aayaw pa e humihingi naman. Dyahe na rin minsan tuwing pinaparinggan ako ni NiƱo na hingi ng hingi ng Marlboro Lights, kung kaya’t sa kauna-unahang pagkakataon, heto ako at bumaba sa MiniStop.

Habang hinihintay kong matapos magbayad at suklian ang taong nasa harapan ko, naramdaman ko na ang pagkulo ng bestfriend ko. Gutom na ako, sabi ng utak at tiyan kong nagaalburoto habang nakatingin sa jumbo siopao sa likod ng cashier.

Lintek! Magyoyosi ba ako o kakain ng siopao? Iniisip ko pa rin hanggang sa napalingon ako sa bagong Cosmopolitan issue na ang cover ay si Marian Rivera.

“Miss, miss….” Ang istorbong cashier naiinip na sa akin. Pumapalatak na rin ang nakapila sa likuran ko. Ahhh! Wala akong pakielam sa inyo! Nasa unahan ako ng pila and customer’s always right! I’m the king of the world!!!

“Isang special siopao na bola bola, yung may iced tea please.”

Sa wakas, nakalimutan ko ang yosi dahil sa isang siopao na may dilaw na tanda sa ibabaw. Witwiw. Siopao lang ang tatapos sa usok na naaamoy ko na mula sa 8th floor ay naamoy ko hanggang sa lobby. Siopao na nakakapagpalinaw ng paningin ko na kahit wala akong salamin ay naaninag ko kahit natatakpan pa sya ng matabang cashier. Ang siopao na nagbigay ng panibagong sigla para magtrabaho ulit.

Ang siopao na naging dahilan para bumuntot sa kadulu-duluhan ng linya pabalik sa harap ng cashier.

One more time..

No comments: