Hey, I'm so sorry
that it didn't work the way
that we'd always planned
Hey, I'm so sorry
that you went away
and somehow didn't understand
...
We pretended for so many years, but now
its time wash away my tears
CHORUS
CauseAnd it's all behind us now
cause we've learned to live somehow without
each other
And its easy to see, it ain't never
gonna be the same again
And its all behind us now
cause we found a way to live without
each other
And in time we'll have to see
If its ever gonna be that way again
ohh......
...
Hey, I'm so sorry
that I couldn't find the words
that might have made you stay
and hey, it's so funny
how we both can say the same thing in a
different way
...
We pretended for so many years,
but now its over baby
and so are my tears
repeat chorus
...
I was holdin' out for far too long
But now I finally found where I belong
finally, i didn't realize i can recover this fast.:) thank you for making me realize how important i am, i don't even deserve to be treated the way you do. :)
Wednesday, September 23, 2009
all behind us now
Saturday, September 12, 2009
Happy Baby 2009
Well, here's another baby contest in town.. which obviously, one of my closest family member is included.
Enfant's ad said: Vote for the Happiest Baby Ever!
And good thing about it is that, my niece has joined the contest. Well, of course, with the looks and all, he is a real winner.
if you think my niece is the best candidate (which is YES, wink wink), then click on THIS
Sunday, August 9, 2009
Random Thoughts
Wednesday, July 29, 2009
Puta
Friday, July 24, 2009
Pusa
Alas kwatro pa lang! Bakit ba ang bilis ng bus samantalang sa panaginip ko parang mabagal lahat ng pangyayari. Dagli akong bumangon. Mahirap na salubungin ang moody kong girlfriend. Baka sumakay ng bus pabalik ng Maynila.
Nagpalit na ako ng damit at dali daling bumaba, hindi na nagalala kung mabaho ba ang aking hininga o hindi. Bahala na. Hinarurot ko na ang kakarag-karag kong pulang kotse.
Tumaba kaya ang honey ko?...Lumaki na kaya ang singkit nyang mata?..O mukha na kaya syang haggard at maturn off agad ako?..Tumatakbo ang utak ko habang pinatulin ko pa ang takbo ng matulin kong bulok na oto.
Napansin ko ang patawid na kuting sa gitna ng daan. Waaa! Kailangan ko bang huminto o sagasaan na lang ang pusa imbes na ako ang madisgrasya. Bahala na. Iginitna ko ang kotse ko habang tahimik na nagdadasal ng “May the cat rest in peace..”
Nalagpasan ko. Nakiramdam kung may makikita ako sa rear view mirror ko kung may magmumultong pusa at kalmutin ako sa likod. Wala. Tumingin ako sa tabi ng aking sasakyan, wala akong marinig na ngiyaw ngunit praning ako baka bigla na lang may ngumiyaw. Taena! Gutom lang yan. Bigla kong naisip na bumili ng siopao pagsundo sa girlfriend ko.
Tinakbo ko ang terminal dahil ilang minuto na lang at mainit na ang ulo ni honey. Narating ko ang terminal ng walang pang limang minuto.
Wala si honey. Pero parang lahat na yata ng nakita ko sa naman. paligid, kung hindi kulay orange ang mata, ay gray na mga bulto ng pusa. Karma na ata ito. Hindi ko alam kung pwede na ba akong kasuhan na mamamatay-pusa.
Nakita ko ang higanteng girlfriend ko at inaya ng umuwi. Pusanggala naman o! Hindi ko na maalalang halikan ang girlfriend ko dahil sa dyaskeng kuting na iyon. Minsan talaga, may mga maliit na bagay kang ginawang mali pero maaalala mong pilit.
Pero maaari namang kalimutan. Choice lang yan, ika nga. Gaya ng pagwaglit sa isip ko ng babaeng pilit na umaagaw ng atensyon ko kahit may katabi akong ibang tao ngayon habang nagmamaneho. Parang si Dory na may short term memory loss, pwedeng kalimutan pero pilit na bumabalik.
O siguro, pwede rin namang pagbigyan ng hindi nakakasakit ng iba. Alalahanin ulit gaya ng kuting na iyon, sumagasa ulit ng mas malaking pusa para makalimutan ang isang kuting. Ayan. At least hindi na ako praning na may magmultong pusa, o ang siopao na kinakain ko ay kuting…pero mag-abang pa ng mas maraming pusang sasagasaan.
Thursday, July 9, 2009
confused player
for me, i don't care whether they look fat or thin, old or young, guys or girls.... hmmm lemme stop here. uhh yeah. no matter what gender they are, what matters is how smart they can be when i am around.
wanted: date
whenever i meet someone online, and got my attention over a conversation, it doesn't really end up by a date. date means when they make pilit and they're on the area where i am =). 100% of them is better on cam, but not in person ;). you can see how stupid your date is unlike the one you have talked on the internet. you will doubt, "Sya ba talaga ang kausap ko???"
opposites attract
whether you like them or not, they are still different from who we are. it makes me turn off when someone flashes her barefoot (from covered socks) and let me spell how awful her foot odor is, or if when her car is bulok but runs faster than a new ivtec. still, you find yourself into a troublesome moment wherein you were attracted with trash rather than the good sides of the person.
potential girlfriends
these are people who likes to teach diskarte 101 in the class. whether it's baduy or not, or girls who is trying hard to be a guy, like putting pomade on their hair (pomade!!!!), or having their grown armpit hair flashing on your face, or whether they seem talking a lot of sense but they're really stupid, it's how they really catch your attention and prospect them to be the next girlfriend.
whew... ako ba yan?? that's prolly the way i think of gauging how player i was...not until i met someone i barely know, a person who is trying to change me -- which challenges me the most.
...and everything on the list vanished..
Friday, March 20, 2009
piko
Mabagal kong pinaaandar ang pulang kotse papasok sa subdivision kung saan ako nagrerent ng isang maliit na kwarto. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mga batang nakatira sa squatter’s area na naglalaro sa mamaya’y daraanan ko.
Piko ang laro. Nangingiti ako habang nakatingin sa batang itinapon ang pato at tumama sa guhit ng bahay. Nakita kong nayamot ang kanyang madungis na mukha habang gumigilid na. Talo na sya.
E kasi naman, ang pato nya ay isang binasag na paso. Hindi ito katulad ng dati kong pato na balat ng saging na saba o latundan na pinilit kong pitpitin ng bato. Kailangan kasing manipis at mabigat ang pato para kapag binato ay papasok sya sa loob ng iginuhit ng chalk na bahay.
Tumira ang isang medyo may katangkarang batang babae. Pasok. Sinimulan na nyang itaas ang kaliwang paa at humakbang papasok sa bahay.
Wow. Ganon na ba ako katanda? Sa Valenzuela, halos wala na akong nakikitang bata sa daan. Mangyayari pa ba iyon na kahit bilog ang buwan ay makikita mong nagliligawan ang mga dati’y baby pa lamang na anak ng kalaro ko. Nandoon din ang mga kotse at jeep na hindi na magkasya sa garahe ng kapitbahay ko at maliit na lugar na lang ang natitira sa kalye.
Sayang ang liwanag ng buwan. Kung ang maririnig mo lang ang ungol na nanggagaling sa umuugang jeep na hindi mo alam kung may naglalaro rin ng kung hindi piko ay dama. Kung ang makikita mo lang ay ang magbabalot na imbes na humiyaw ng “Balooooooot” ay nakatambay lang sa kanto at nakikipag-inuman sa grupo ng mga nagcho-chongke.
Nanalo ang batang tumatawid sa bahay na piko. Minsan nakakainggit, sana bata pa rin ako na nakakapaglaro ng taguan, ng goma, ng tex , ng pog, ng Chinese garter o ng luksong tinik para kahit madapa ako, pwede kong tawagin ang yaya ko, o nanay ko o mga kalaro ko. Iba na ngayon, minsan, kailangan ko saklolohan ang sarili ko kapag nadapa ako.
Iba na rin ang laro ko ngayon. Nakikipaglaro rin ako sa iba. Dati puro lalaki kalaro ko ngayon ay babae na. Bastos at masarap na laro. May taguan pero walang goma, walang tex , walang pog at ibang Chinese garter na ang alam ko at kabisado ko.
Pero ang piko na nilaro ko dati, nawasak, natalo ako. Nasira ang bahay na dati’y alam kong dapat laging buo. Ngunit gaya nga ng nasabi ko na, hindi na ako humingi ng tulong sa yaya ko. Laro ko ito. Ako lang at walang ibang pwedeng magbigay ng solusyon.
Iginarahe ko ang sasakyan at kinuha ko ang mga dala-dalahan ko. Lintek! Kahit kalian lampa ako, natisod ako sa isang putol na tiles. Hmmm. Pinakamagandang pato ko sa piko na bubuuin ko pa lang.
Na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano sisimulan…





